THE 500-CALORIE DIET
Start losing weight with The Slim Firm’s HCG drops and Garcinia Cambogia.
Human Chorionic Gonadotropin (HCG) drops. It is a hormone produced by pregnant women to help their body feed the baby with fat stores rather than the muscles. This is why it’s helpful for weight loss. HCG also helps your body burn your stored fat instead of your muscles to make up for the calories you are no longer eating. When your body is burning extra calories especially from fat, you lose weight.
Garcinia Cambogia capsules. This is for those with active lifestyle. Garcinia Cambogia supplement contains a proprietary blend of 20 proven weight-loss/fat-burning, and appetite suppressant ingredients that helps curb appetite, increase your energy and boost your metabolism. It also supports cholesterol level, blood pressure and immune system and is an excellent addition to the HCG Diet program.
How does HCG works?
HCG modifies eating behavior by regulating the hypothalamus in the brain that manages the homeostatic control of food intake by receiving, coordinating and responding metabolic cues and signals from the digestive system. By integrating the metabolic signals, the hypothalamus tells the body when to eat and maintain the body weight “set point”. Therefore, the activity of HCG in the hypothalamus helps regulate food intake while reducing food cravings.
You must follow the entire HCG diet protocol based on Dr. Simeons’ research. HCG drops should come along with the strict 500-calorie diet to have good results. If you try feeding yourself with 500-calorie meals per day without taking the HCG drops, you are obviously STARVING yourself and that is a big NO-NO! So here’s the program overview and the important phases of this diet program.
The Four Phases
The HCG Program is divided into 4 phases of various lengths. Here it is in order:
Loading Phase (2 days). Some call this phase as “binge” or “gorge” days. You start taking the HCG drops on Day 1. For these first 2 days, you must eat the most fattening foods you can until you are completely full. Concentrate on foods high in fat and oils rather than sugar.
Core Phase (13-43 days). On the morning of Day 3, you begin the 500-calorie diet per day. You also continue taking the HCG drops at the specified dosage. The length of this phase depends on how much weight you want to lose.
Transition Phase (3 days). Stop taking the HCG drops at the end of the Core Phase. Continue on the 500-calorie diet for the 3 days in this phase while your body transitions and eliminates the high level of HCG in your body.
Maintenance Phase (21 days). Slowly increase your food intake and begin eating any foods you want except sugars, starches, or artificial sweeteners. Your metabolism is still trying to stabilize during this phase. Therefore, watch your weight closely, and slowly increase your calorie intake at a rate that allows you to maintain your new lower weight.
How to take the HCG?
For best results, do not eat or drink anything for 15 minutes before or after taking the dose.
Fill the dropper with HCG liquid.
Hold the tip of the dropper over a spoon. Squeeze the bulb very gently until a single drop of liquid falls into the spoon. Repeat until you get the number of drops for the desired dosage level.
Pour the liquid from the spoon under your tongue. Hold it for 1 minute before swallowing.
Remember not to drink or eat anything for 15 minutes after taking the dose for maximum absorption.
The total daily caloric intake during the core and transition phases should not exceed 500 calories.
Proteins – Eat 2 servings anytime during the day but not at the same time. Meat can be cooked by boiling, grilling, or broiling, but don’t use any additional fat or oils during cooking. One serving is about 100 grams weighed raw. Remove all visible fats. Allowed items are beef, veal, chicken (breast, skinless), and fish ( NO eel, tuna, salmon, mackerel, herring, dried or pickled fish).
Vegetables – Eat 2 servings anytime during the day but not at the same time. Best eaten with the protein serving. One serving is 2 cups for green leafy vegetables and 1 cup for other vegetables. One item per serving. NO MIXING OF VEGETABLES!
Fruits – Eat 2 items anytime during the day but not at the same time.
Starches – Only melba toast and grissini (breadsticks) are allowed. Serving size is one melba or breadstick.
Fluids – For you to achieve your desired weight, it’s best to drink at least 8 glasses of water. No alcohol, carbonated drinks or juices allowed. Herbal or green tea are allowed. Coffee without sugar is also okay.
Personal Testimony
I am a proud user of The Slim Firm’s HCG Drops and Garcinia Cambogia and being that proud made me post this one here in my blog. I know that a lot of people are struggling just to lose weight and here I am want to reach out and help others be fit and healthy.
HCG drops helped me lose for about 20 pounds in one month. But before trying this diet, I researched well to make sure how effective and safe it is to be used. I also have a friend who used this before me and I see her transform that quick. It amazed me and made me decide to try it and see it for myself.
I started using HCG last April 2014 because of curiosity. And of course for me to look good and lose weight. I tried going to the gym the year 2011 but gained my weight back after 2 years of no exercise and active lifestyle. Before going to the gym, I weighed around 185-190 pounds and that was the worst of me! By having a balanced diet together with regular exercise, I lost 34 pounds in 4 months. But still, my BMI didn’t reach the normal range.
I was still in college those days and I gained my weight back last year before taking my board exam because all I do was to eat and eat and eat while reviewing.
The Slim Firm changed my life once again. I was able to achieve my body by following the diet program. Sometimes, I couldn’t help myself not to cheat because at first, I really felt hungry. I lost weight without doing hardcore exercises. All I did was to eat 500-calorie meals daily. For you to have an idea what food I ate, try visiting my instagram (@hcg_nikkipatoots) account.
I took one bottle of HCG drops and dropped 20 pounds. So from 180-183, I ended at 160 pounds. I tried doing the second round of this diet but I failed due to parties and lately, I’ve been resistant to it already. So now, I’m resting and my ending weight is around 152-154 pounds.
I was able to wear my old clothes again and somehow feel good about myself once more. Because of The Slim Firm, I became more confident and motivated to achieve my goal weight and inspire other girls out there.
Who to contact?
The ever friendly Apple Alegro of The Slim Firm. Get your HCG bottles and/or Garcinia Cambogia Capsules by following her at instagram (@theslimfirm), liking her facebook page and send her a message at 0917-8332765. She’s nice and a good coach as well. I’ve been sending her updates about my weight loss journey and sometimes ask her questions. She answers as soon as possible.
Try now and see the results for yourself! Be a happy loser with The Slim Firm!
Note: Losing weight with HCG drops depends on how you follow and focus on the protocol. You need to plan your desired program before starting your diet. Goodluck!
Salamat, kaibigan
(Below is the privilege speech delivered by Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. at the Senate on June 9, 2014 as he, Juan Ponce Enrile and Jose “Jinggoy” Estrada face arrest after being charged with plunder before the Sandiganbayan anti-graft court over their alleged involvement in the P10 billion pork barrel scam.)
Mr. President, muli po akong tumatayo sa harapan ng ating mga kababayan upang minsan pa (at posibleng sa huling pagkakataon) ay mailahad ko ang aking damdamin na hindi para humudyat ng pagkakawatak-watak, bagkus, ay magpaubaya at magbukas ng bagong kabanata sa ating kasaysayan.
Mr. President, nasabi ko na nga po dati, malinis po ang aking konsensiya. Ngayon na naisampa na ang kaso laban sa amin, hayaan niyo na po kaming harapin ito sa husgado. Ipaubaya na po natin ito sa korte at doon ko na po ipagtatanggol ang aking sarili.
Ang atensyon na itinuon sa amin, ituon na natin sa mas mahahalagang bagay na magbibigay kaginahawahan sa ating mga kababayan.
Napakarami pong hinahaharap na problema ng ating bayan na mas nangangailangan ng tama at mabilisang solusyon. Isipin na muna natin ang bayan.
Ang ating mga mamamayan – ang kanilang mga pangunahing mga pangangailangan. Tama na ang batuhan. Tama na ang siraan.
Kung mamarapatin, may panawagan po ako sa ating Pangulong Aquino. Alam ko pong marami tayong ‘di pagkakaunawaan sa usaping pulitikal, ngunit iisa lang ang hangarin natin para sa bayan.
President Aquino, nakasalalay po sa iyo ang kinabukasan ng bansa sa loob ng natitira pang 2 taon bilang pangulo. Sana ay gamitin mo ang iyong kapangyarihan para masolusyonan ang mga suliranin ng ating mga kababayan.
Una na nga dito ay ang pagbibigay ng hanapbuhay sa marami nating mga kababayan nang sila ay mapakapaghatid ng pagkain sa kanilang hapagkainan.
Pabilisin pa sana ang pagkilos sa ikaaayos ng kalagayan ng mga biktima ng bagyong Yolanda na hanggang ngayon ay sabik na sabik pa rin sa ating kalinga; pag-ibayuhin pa sana ang paglaban ng mga pulis sa kriminalidad;
isaayos na agad ang kalagayan ng Ninoy Aquino International Airport para maging maayos ang serbisyo at maibangon ang imahe ng turismo sa bansa; Pakinggan at bigyang tugon ang mga hinaing ng mga maysakit sa mga pampublikong ospital, lalo na ang mga patuloy na nangangailangan ng mga gamot at medikasyon;
Para hindi na lumala ang estado ng ekonomiya, lapatan na ng agaran at pangmatagalang lunas ang napipintong krisis sa kuryente at enerhiya na damang-dama na ngayon sa Mindanao at malapit nang kumalat sa buong bansa;
Pangalagaan sana ang pangunahing mga pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng edukasyon, mga serbisyong panlipunan, at lalo na ang pagkain. Siguruhin na natin na may sapat na kakainin ang bawat Pilipino.
Ilan lamang ito sa napakaraming kailangang gawin at bigyang atensyon.
Lead this country not with hatred but with love. Lead the country towards unity and not partisanship. Push our nation’s interest and not political agenda. Bibihira ang nabibigyan ng pagkakataon na maging pangulo. At mapalad ka Pangulong Aquino.
Panguluhan mo ang bansa sa kaunlaran at progreso para huwag masayang ang 6 na taon na ipinagkatiwala sa iyo. Napakasaklap na mahusgahan ka ng kasaysayan bilang isang tinimbang ngunit nagkulang. You still have 2 remaining years. Hindi tama at hindi maganda na maaalala ka at ang iyong administrasyon sa pagpapakulong lamang ng mga hindi mo kaalyado. Jailing your oppositors should not be the only achievement and legacy you will be leaving behind.
Sana po ay lubos na tayong magkaisa at magtulungan. Magsikap tayong sama-sama na maging disente ang buhay ng bawat Pilipino na hanggang ngayon ay puro kahig walang tuka. Hindi ako nagdududa na kaya ng bansang umahon sa pagtutulungan ng mga pinuno. Maraming magagaling sa Kongreso; sa burukrasya; sa pribadong sektor. Ang kailangan lang ay magkaisa. The remaining 2 years is still enough. Kaya mo pa yan Ginoong Aquino. Kaya natin ito.
Mayroon na tayong pagkakataon ngayon, na mula sa pagkagiba ay bumangon bilang mas matibay na bansa.
Ang hamon ngayon ay palakasin muli ang tiwala ng tao. Magagawa lamang ito kung ang mga pinuno ay magbibigay ng malinaw na halimbawa. Ang hamon ngayon ay bumaba tayo sa tao, alamin ang kanilang mga tunay na pangangailangan, at magkaisang pakinggan at tugunan ang mga hinaing ng bayan.
Tama na po ang awayan, tigilan na ang pulitika ng paghihiwalay. Tama na ang pambebengga. Ang magkakaibang kulay ng ating bandila ay dapat sumagisag ng pagkakaisa at hindi pagkakaiba-iba.
Adhikain ko po na sana mula ngayon, wala nang dilaw, wala nang orange, wala nang berde, wala nang asul, wala nang pula. Iisa lang ang dugong nananalaytay sa ating mga ugat, at yan ay dugong Pilipino. Isang Dugo, isang diwa - gamitin natin ito para tayo lubusang magkaisa, umunlad at lumigaya, para sa bansa.
Masyado nang nadungisan ang mga institusyon na tanging kumakatawan at sandigan ng taumbayan.
Sana lang po, ang pagwasak sa reputasyon ng Senado at Kongreso ay walang kinalaman sa isang grand design para mawala ang tiwala ng publiko sa institusyong ito, tungo sa pag-abolish ng mga ito sa pamamagitan ng pagbago sa konstitusyon o Cha-cha.
Mr. President, napakarami na pong mga tao ang nababanggit sa usaping PDAF. Napakarami na pong nasasaktan. Napakarami nang nasira ang buong pagkatao dahil sa pagbato ng putik na parang alkitran na kumakapit sa balat at tumatagos na hanggang kaluluwa. Pag nabanggit ka, tapos ka. Hanggang sa kaapo-apuhan mo, wasak na. Buhay ka pa, ibinurol ka na para panooring ng buong mundo, at pagkatapos, inilibing ka pa.
Kaya naman nananawagan ako sa media. I appeal to our journalist’s commitment to responsibility and their sensitivities.
Napakahirap pong bumuo ng pangalan, pero sa isang iglap, ay durog na ito. Mr. President, paano po kung pagkatapos ng lahat ng ito ay mapatunayang walang-sala at inosente ang isang taong nawasak na? Paano po? May pag-asa pa kayang malinis at maibangon niya ang kanyang pangalan at dignidad?
Regardless Mr. President, handa akong mapiit at magsakripisyo dahil alam kong sa tamang panahon ay lalabas at mangingibaw pa rin ang katotohanan.
Naniniwala pa rin ako na ang Korte ay hindi papayag na mangibabaw ang kawalan ng katarungan. Nariyan kayo, aking mga kababayan, na sisiguruhing hindi mananaig ang kasinungalingan.
Nandito pa rin ako, sa kabila ng lahat, para ipagpatuloy ang pakikibaka at kasama ng mga minamahal kong mga kababayan sa lahat ng pagkakataon, sa labas man o loob ng piitan.
Mr. President, before I end, I also have a list. Mas matindi ito sa lahat ng iba pang listahan. Para sa ikabubuti ng bansa, hayaan niyong ibahagi ko ito sa inyo. Wala akong itatago.
First on my list, is God.
Unang una, at higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos na alam kong hindi niya ako bibigyan ng pagsubok na hindi ko malalampasan. Lord salamat po sa pagkakataon na higit ko Kayong nakilala.
Thank you for walking with me during these times of trial. Tulad ng lagi, alam ko pong hindi Niyo ako pababayaan. Alam kong hindi Mo pababayaan ang bayan.
Pangalawa sa aking listahan ay ang aking ama at pamilya na patuloy nagbibigay sa akin ng lakas at tibay. Daddy, I love you, babangon tayo.
To my wife and kids, we shall overcome! Be strong. Ipagpatuloy ninyo at higit pang pag-ibayuhin ang pagtulong sa kapwa. Mama, salamat sa pagmamahal. Mga anak, salamat.
Pangatlo, my colleagues:
Senate President Drilon – I pray that you, as the leader of this chamber, will be successful in rebuilding this institution. Ipaglaban mo ang institusyong ito;
Senator Recto – A true gentleman; Your economic foresight and expertise continue to benefit the country. Saludo ako sa iyo;
Senator Alan Peter – I wish you good luck in all your endeavors;
Senator Sotto – Di lang kita Tito, para kitang kuya. Marami akong naipasang batas noong Majority Floor ka. It is an honor working with you. Salamat sa suporta;
Senator Honasan – I look up to you. Your humility is worth emulating. Your patriotism is beyond question. I salute you;
Senator Miriam – I’m praying for your health. Get well soon Ma’am, the Senate needs your expertise;
Senator Lapid – kaibigang Lito, ikaw ang Leon Guerrero ng masang Pilipino. Bida ka talaga ng masa;
Senator TG Guingona – Kaibigan pa rin kita no matter what. Lead the Blue Ribbon Committee in fulfilling its true mandate;
Senator Sonny Angara – I look up to your father. Continue his legacy;
Senator Grace Poe – Salamat. Nakikita ko sa iyo ang puso ng iyong ama. Ang tunay na panday. Ipagpatuloy mo ang mga hangarin niya para sa bayang Pilipino;
Senator Jinggoy Estrada – Kosa, hanggang dito ba naman magkasama tayo? Pinagtatawanan tayo siguro ni Daboy ngayon. Kidding aside, hindi ito ang katapusan natin pare. God is just preparing us for something better;
Senator Loren – Seatmate, I will miss your enthusiasm in serving our kababayans;
Senator Trillanes – I will always admire your tenacity in fighting for the Filipino people;
Senator JV – Sa maikling panahon ng pagkakasama natin, nakita ko ang puso mo na tulad ng iyong ama. Isa lang ang hiling ko, sana magkasundo na kayo ng kapatid mo;
Senator Bam – keep it up. You’re on the right track;
Senator Koko – I will always treasure the advice and guidance of your father when we worked together. I see him in you;
Senator Serge – Brilliant. A good person and a good friend;
Senator Pia – Continue to be an inspiration to women;
Senator Villar – Isa kayong inspirasyon ng Sipag at Tiyaga;
Senator Chiz – Please be careful with your Heart. Kidding aside, your passion is without equal;
Senator Nancy – Your father can truly be proud of you;
Senator Bongbong – Pare, nakita ko sa iyo ang sipag mo, ang galing mo, at ang talino mo. May aabangan pa ang bansa sa iyo;
Senator Enrile – I can only wish I live a full life like yours. One of the greatest leaders of this country. Your brilliance, your experience, brought a culture of excellence not only to this institution but to every institution you have led. You are undoubtedly the ultimate statesman.
To Congress, ibangon natin ang nayurakan na institusyon. Pagsikapan at pagtulungan natin na hindi na muling mangyari ang ganitong yugto sa ating kasaysayan.
Salamat po sa aking mga kasamahan at sa lahat ng mga empleyado na nagkaroon ako ng pagkakataong makatrabaho kayo at makahalubilo.
I thank this August chamber for being witness to my pure and genuine intentions to serve our people and give back to their kindness for the past 10 years.
Nagpapasalamat po ako sa pagkakataon at karangalan na maging isang taas-noong lingkod-bayan, na kahanay ninyo.
Salamat sa aking kaibigan, my party President Congressman Martin Romualdez.
Hindi mo ako iniwan. Naramdaman ko sa iyo kung ano ang isang tunay na kaibigan. Mapalad ang iyong mga pinamumunuan.
Salamat sa aking mga kapartido sa LAKAS-CMD, lalo na kay dating Pangulong Fidel Ramos who mentored me and continues to share with me his kindness and wisdom.
Former President and Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo, you have always been in my prayers, and I will always continue praying for you. Kaya mo ‘yan Ma’am.
Vice President Jojo Binay, you are a true man of vision. Your track record speaks for itself. Mabuhay ka. Former President and Mayor Erap Estrada, may our present and future leaders emulate your sense of forgiveness. Tunay kang ama ng masang Pilipino.
Nagpapasalamat din po ako sa industriya na aking kinalakhan at humubog sa akin.
Salamat sa aking mga tagahanga na sumuporta at tumangkilik sa akin bilang artista sa pelikula at telebisyon, gayundin sa lahat ng aking mga nakasama at nakatrabaho.
Siyempre, hindi pwede mawala sa aking listahan ang mamamayang Pilipino.
Maraming Salamat po sa halos 20 milyong bumoto sa akin na hindi tumigil magtiwala, sumuporta at magmahal sa akin. Maraming Salamat sa inyong lahat! Hindi po ako magsasawa na sabihin at kilalanin na kayo ang dahilan kung bakit mayroong isang Bong Revilla. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban at lalaban. Kayo ang nagpapatibay sa aking kalooban at nagbibigay lakas at inspirasyon sa patuloy kong pakikibaka para sa katotohanan.
Kung ang pagkakakulong ko ang siyang magiging susi sa pinto ng hustisya ay malugod ko itong tatanggapin. Nakapiring po ang katarungan, at magkakaroon din ang tunay na hustisya. Kung hindi man ngayon, sa naaayong panahon.
Makulong man ako, hindi nila makukulong ang aking pangarap at pagmamahal sa bayan.
Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ako mawawala, babalik po ako.
Tandaan po ninyo, kahit dumating man ang takip-silim, hindi mapipigilan ang bukang liwayway. Sisikat muli ang araw at magbibigay liwanag muli sa kadiliman.
May kahilingan po sana ako sa inyo. Sa ating pansamanatalang paghihiwalay, mayroon akong isang orihinal na awit na naglalaman ng aking saloobin. Gusto kong pakinggan ninyo, at sana ay maibigan niyo ito. Para sa iyo ito, kaibigan.
LIHAM SA ISANG KAIBIGAN
Hindi Masabi
Mary Christine C. Rebamonte
Alam kong nagtataka ka kung saan patungkol ang sulat na ito. Maaaring pagkatapos mong mabasa ito ay balewala lang sa'yo. Ngunit kahit ganoon pa man, ang mahalaga lang ay malaman mo ang nasa isipan ko. Alam mo, hindi ko hilig ang magsulat. Ni kahit subukang maging bukas sa isang tao. Tanging ikaw lamang ang aking pinagkatiwalaan. Hindi ko alam kung saan dapat magsimula. Di ko rin alam kung paano ito dapat tapusin. Ewan, basta kailangan kong masabi ito sa iyo.
Masaya akong nakilala kita. Masaya dahil naging magkaibigan pa tayo. Nabanggit ko sa iyo ang tungkol sa wish ko noong bata pa ako. Alam mo, natupad mo ang 90% ng hiling ko kaya nagpapasalamat ako sa iyo. Hindi ko alam kung bakit at paano ka naging ganoon kahalaga sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit, hindi na mahalaga kung bakit, ang importante ay alam kong bilang kaibigan ay mahal na mahal kita.
Simula ng makilala kita, nagbago na ang buhay ko. Tinuruan mo ako maging mapagpasensiya, magtiwala at masikap. Isa akong tamad na estudyante – sa totoo lang. Nagsusulat lang ako kung kailangan. Pero, alam mo ba na simula nang maging magkaibigan tayo ay naging masipag na talaga ako sa mga gawain ko. Ginagawa ko na kasi ito pagkabigay pa lang upang magkaroon ako ng pagkakataong madalaw ka. Para sa iyong kaalaman, matagal na sana akong tumigil sa pagpunta sa "doon" kung hindi lang dahil sa iyo. Kung tutuusin hindi naman mahalaga sa akin kung magkasakit man ako. Naniniwala ako na kung dapat ka nang mamatay kahit ano pa kalusog ang katawan mo gagawa at gagawa SIYA ng paraan upang masawi ka.
Isang taon mula ngayon, naaalala ko pa lahat ang mga nangyari. Wala akong nakakalimutan! Maging ang amoy ng pabango mo. At kahit naisin ko mang kalimutan ang mga alaalang iyon ay mahirap, lalo na’t lahat halos ay masasaya at magagandang alaala. Naaalala ko pa kung saan kita unang nakita, kailan ka unang nagsabi sa akin ng iyong mga sikreto at kung kalian kita unang pinaiyak.
Gusto ko kung paano mo ako tratuhin dati. Pakiramdam ko mahalaga rin pala ako sa mundo at may nag-aalala rin pala sa akin. Kaya naman, pinilit kong mangako ka. Nais kong kahit malayo tayo ang alam ko pa rin kung ano ang nangyayari sa iyo. Kung inaway ka na naman ba ng mga naiinggit sa iyo o ikaw ba ang nang-away sa kanila, kung pinagalitan ka na naman ba o pinuri ng amo mo. Ang maliit na impormasyong iyon ay mahalaga sa akin. Isang karangalan para sa akin ang mapagsabihan ng mga sikreto ng isang tao at hindi lang dahil tsismosa ako. Biruin mo sa dami ng mga kaibigan mo, ako pa? Ako pa na isang mangmang na tatanga-tanga ang pinagkatiwalaan mo?
Ang mahirap kasi, nasanay akong lagi kang mabait sa akin. Nasanay na lagi kang nariyan sa oras na kailangan kita. Kung alam mo lang ang nadarama ko sa tuwing magagalit ka sa akin noon kapag hindi ako nagrereply. Sa totoo lang, kahit nag-aalala ako na baka magalit ka ay natutuwa pa rin ako dahil hinahanap mo rin pala ako. Nasanay akong sa tuwing makikta mo ako’y yayakapin mo ako na para bang kay tagal nating hindi nagkita at kahit kung minsan ay nahihiya ako ay niyayakap na rin kita. Nasanay akong maging tapat sa iyo at ni hindi ko nga kayang maglihim sa iyo nang matagal. Higit sa ano pa man, nasanay akong mahalin ka bilang matalik kong kaibgan. Nasanay.
Bigla, nagbago ang lahat. Pakiramdam ko ay kaaway ko ang buong mundo, pakiramdam ko ay naloko ako nang ilang beses na wala akong nagawa dahil isa akong tanga at walang kwentang tao. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kaya, dahil sa pagkalito, nagawa ko ang kasalanang iyo. Nagalit ako noon! Sa isip ko hindi na ako dapat magpakita sa iyo. Hindi mo naman ako kailangan pa. Subalit, huli na nang matauhan ako. Nalilito ako noon kaya tinanong ko ang panginoon. Humingi ako ng tulong kung ano ang aking dapat gawin. Kaya, nagpakita ako sa iyo ulit. Inamin ko ang kasalanan ko at talagang pinagsisihan ko iyon dahil hindi ako naging makatarungan sa ginawa ko. Sinira ko ang tiwala mo!
Ngayon, naisip ko na ang dahilan kung bakit ka nagbago. Kung bakit hindi na tulad ng dati ang turing mo sa akin. Sa totoo lang, ayaw kong mainggit. Ayaw kong magselos at ni ayaw kong aminin sa sarili kong nararamdaman ko iyon. Bukod sa alam kong masama iyon lalo pa’t kaibigan ko rin sila ay masakit din sa pakiramdam. Masakit. Masakit na para bang hindi mo alam kung saan nanggagaling. Na gusto mong patayin ang pakiramdam na iyon ngunit hindi mo alam kung paano! Na wala kang ibang magawa kundi umiyak na lamang upang sa ganoon ay mabawasan nang kaunti ang sakit.
Alam mo bang masakit isiping ang taong mahal mo ay hindi ka na mahal, na ang taong pinahahalagahan mo higit sa sino pa man ay di ka na pinahahalagahan at higit sa lahat masakit na ang dating kaibigan mo at itinuring mong natatangi sa lahat ay wala na at naglaho na sa kanyang katauhan.
Aaminin ko, naiinggit ako sa kanila dahil pwede ka nilang makasama araw-araw, oras-oras. Malaya silang tao. Nagagawa nilang gawin ang gusto nilang gawin. Naiinggit ako sa kung ano mang bagay na nagagawa nila na di ko magawa kahit kaya ko rin naman. Naiinis dahil kaya nilang makuha ang buo mong atensyon. At sa isang iglap lamang, nagawa nga nila.
Natuwa ako nang malaman kong makakasama kita sa isang trip . dahil inakala kong maibabalik ko pa ang dati nating samahan. Akala ko maibabalik ko pa ang pagiging close natin, akala kong makakausap na kita nang masinsinan at higit sa lahat, akala kong masisiyahan ako sa pagsama ko. Ngunit hindi, mali ako sa mga akala ko! Huli na pala ang lahat. Nagkalamat na ng tuluyan ang ating pagkakaibigan. Mahirap nang ayusin pa. Isa pa, nakahanap ka na ng ipapalit. At sa tingin ko ay mas magiging mabuti siyang kaibigan sa iyo. Mas makakatulong siya sa iyo.
Paano ko magagawang ayusin ang problema kung sa tuwing gagawin ko ay nanghihina ako at walang magawa kundi ang tumawa. Paano kita makakausap ng masinsinan kung sa paglapit ko pa lang sa iyo ay may kausap ka nang iba at dama ko ang tiwala mo sa kanya. Paano ako matutuwa sa pagsama ko kung parang nag-iisa lang pala ako, kung nagkakanya-kanya lang pala at ako itong tangan nahuhuli sa mga biro ninyo.
Alam mo ba ang pakiramdam na para kang pinagkaisahan? Na wala kang makausap? Kaya nga iba na lang ang kinakausap mo subalit, sa kalagitnaan ng pagkukwento mo at pagsasalita mo nang may buong kagalakan ay bigla ka namang sasabihang “di man diay ka tabian sa?” Alam mo rin ba ang pakiramdam na kung saan dati ako ang sinasabihan mo, ngayon kapag nagtatanong ako’y sasabihin mo lang na hindi ko naman kilala ang taong pinag-uusapan ninyo, tapos kayong lahat ay tawa na ng tawa habang ako ang nag-iisang walang muwang. Para mo na ring sinabing anong pakialam ko!
Isang matalik na kaibigan lang ang itinuturing kong kayamanan sa mundo at ang pagkawala nito ay isang kamatayan ng parte ng buhay ko. Ito’y isang tiyak na kabiguan para sa akin. Hindi kita sinisisi sa mga pangyayari. Alam kong hindi mo naman alam na nasasaktan ako. (Iyan ang mahirap sa pagiging malakas, kung minsan hindi na natin alam na nanghihina na pala siya). Kaya ko lamang sinasabi ito ay upang malaman mo ang totoo kong nararamdaman. Karapatan mong malaman ang iniisip ko tungkol sa iyo at alam kong gusto mo ring malaman ito.
Patawad sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Ngayon, matapos ang dalawang linggong pagsisikap ko at pag-iisip, tanggap ko na ang kinalabasan ng mga pinanggagawa ko. Sana kahit kaunti man lamang ay natuwa ka ring nakilala mo ako. Hindi ko na kayang magkunwari pang malakas ako! Dahil ang totoo’y lampa ako’t mahina. Nasanay lang kasi akong nasa tabi kita lagi kaya, inakala kong hindi ka na mawawala pa. Inakala kong sapat na ang mga ginawa ko. Sayang, kung naging mabuti lang akong kaibigan, hindi sana ganito ang kalalabasan!
Hindi ko na alam kung paano ito tatapusin. Marami pa sana akong nais sabihin, pero hindi ko na alam kung paano pa ito sasabihin kaya hanggang dito na lang. Sana ay naunawaan mo ang ibig kong sibihin! Hindi ko hinihiling na tanggapin mo ang mga sinabi ko. Sapat na ang basahin mo lang ito. Tandaan mo, kapag kailangan mo ng isang kaibigan at iniwan ka na ng lahat. Nandito lang ako laging naniniwala sa iyo! Kahit ganito lang ako, asahan mong kapag kaibigan kita’y ipaglalaban kita dahil hindi ako agad sumusuko.
Naniniwala akong sa kahuli-hulihan ay may panibagong simula at sa pagkakataong iyo’y, sana’y maging maganda na ang wakas!
paalam sa isang matalik na kaibigan…
i am not so sure how to begin this entry. but yesterday, while going to the world trade center, pasay city, para sa last day ng agrilink 09, sa loob ng jip na sinakyan ko may tumatak talaga sa akin na mga salita. i always see this sticker since i also attend to victory christian fellowship, pero dat tym, saka lang nagkaroon ng meaning sa buhay ko ang sticker na ito. it says…
yes, it is indeed true. i realized that we only have one life to live, kaya we should make the most out of it .
last friday, i was so shocked sa isang nakalulungkot na balita. i was having my lunch that time when one of our officemates/friends called telling me that Ate Toni or Antoinette Kindipan. who was also our officemate/friend died.
habang sinasabi sa akin ni ate lou ang details wala akong ibang magawa kundi umiyak nalang sa isang tabi. kinilabutan ako noong panahong iyon. AYOKONG MANIWALA. oo, ayoko talagang maniwala hanggang sa kinumpirma na nga na wala na talaga siya. na kasama nga si ate tony sa nalandslide sa benguet. na pati ang dalawang kapatid niya at mom niya wala na rin.
that time, i ask my self, bakit si ate toni pa? she is just 26. marami pa siyang pwedeng gawin sa buhay. bakit si ate toni pa? na alam kong napakabait? at bakit si ate toni pa? na maraming nagmamahal sa kanya.
hindi ko rin lubos isipin na namatay siya sanhi ng landslide. naramdaman ko yung struggles ni ate toni ng mga panahong iyon. yung tipong matatabunan ka ng buhay na walang kalaban laban. yun ang masakit dun.
noong mga panahong iyon sobrang natulala talaga ako sa mga pangyayari. ang mahirap pa dun magkakahiwalay o magkakalayo kaming magkakaibigan ng mabalitaan namin iyon. naghahanap kami ng pwede naming pagshare-ran ng nararamdaman. yung grief, yung pain, yung sadness. halo-halong pakiramdam.
sa buhay ko, hindi ko pa naranasang nawalan o mamatayan ng kapamilya. kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam ng mawalan. pero si ate toni, kahit hindi ko kapamilya, sobrang sakit ng dinulot ng pagkawala niya. ngayon lang ako nalungkot sa tana ng buhay ko ng ganito katindi.
noong gabi ding iyon, hindi talaga ako makatulog. inantay ko ang balita, umaasang walang katotohanan ang lahat ng iyon. nananalangin na sana hindi si ate toni ang bangkay na nahukay. pero natapos ang gabing tila hindi ako binigyan ng pag-asa sa mga aking hiling. humiga ako, umiyak sa tabi ng tatay ko, at naglabas ng sakit na nadarama.
sa pag-iisip ko, hindi talaga ako dalawin ng antok. hanggang sa dumating ako sa punto na may naririnig akong iyak. noong mga panahong iyon, hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ang mga iyak na naririnig ko o sadyang may umiiyak lang sa tabi ng tinutuluyan namin. umiikot ako sa kama na tila bagang di ko mahanapan ang kapayapaan sa puso’t isipan. hanggang sa napagod nalang ako sa kakaiyak at kakaisip kung kaya’t nakatulog din ng saglit.
hanggang ngayon, ilang araw na rin ang nakalilipas, di ko parin mapigilan ang sarili ko na umiyak sa tuwing naalala ko ang nakapanlulumong pangyayari. dati kung may nakikita akong nalalandslide, nababaha, at binabagyo, nakikisimpatya ako. pero ngayon, isang malapit na tao sa puso ko ang namatay dahil sa delubyo ay iba pala ang pakiramdam nito.
masakit magpaalam sa taong malapit sa puso mo, pero mas masakit magpaalam kung alam mong ang taong iyon ay kailan ma’y di mo na makakatagpo.
si ate toni lang naman ang pinaka unang naging tunay na kaibigan ko dito sa PhilRice. si ate toni lang naman ang tinatakbuhan ko noong mga panahong hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko. si ate toni lang naman ang nakikinig sa lahat ng saloobin ko. at si ate toni lang naman ang isa sa mga tunay na kaibigan kong alam kong laging andiyan pag kailangan ko.
hindi ko aakalain na noong nag get together tayo sa manila last July, kahit sandali lang, eh ang mga huling araw na makakapiling ka namin ate toni.
hindi ko alam kung kailan ulit kita makikita ate toni. mamimis ko ang mga ngiti mo, ang mga kwento mo, at ang mga walang kamatayang payo mo sa akin.
sa mga oras na ito ayokong magalit kay Lord sa nangyari. gusto ko siyang tanungin kung bakit. pero alam ko na kahit gaano kahirap tanggapin may dahilan siya kung bakit ka niya kinuha. maybe, YOU HAVE SERVED YOUR PURPOSE in life, and that is to give Him the glory.
Romans 8:28 And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are called according to his purpose.
sobrang naiyak ako sa last entry ni ate toni sa facebook na isinulat niya noong oct 3 habang nanalasa ang bagyong si Ondoy. nakita ko na noong panahong isinulat niya iyon ay tila ba handa na siya sa kung ano man ang posibleng mangyari sa kanya.
If there is something good about the rain, for me, it would be these realizations. Tonight, even as I write this, the rain continues to pour on. But what’s good about it is that it makes me value more the thought that life is brief, that there are so many things to be thankful for, that I can always trust the One who gives life to spare my life and the ones I love from this storm. – Antoinette Kindipan
Everytime the rain will fall, I will always remember you Ate Toni!
PAALAM ATE TONI! magkikita din tayo sa malayang panahon!
Pagdating Ng Panahon Lyrics
Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Mapapansin mo rin
Alam kong di mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin Hahanapin din
Pagdating ng panahon
song meanings Post my meaning
Write about your feelings and thoughts
Know what this song is about? Does it mean anything special hidden between the lines to you? Share your meaning with community, make it interesting and valuable. Make sure you've read our simple tips
Hey! It's useful.
If this song really means something special to you, describe your feelings and thoughts . Don't hesitate to explain what songwriters and singer wanted to say. Also we collected some tips and tricks for you:
She's Dating the Gangster
It all started when 17-year-old Athena Dizon unwittingly plays a trick on resident heartthrob and bad boy, Kenji de los Reyes. All of a sudden, she finds herself pretending—unwillingly at that—to be his girlfriend to make his ex jealous.
Now, not only does she have to deal with dirty looks from the girls in school who want Kenji for themselves, but her supposed boyfriend is. more It all started when 17-year-old Athena Dizon unwittingly plays a trick on resident heartthrob and bad boy, Kenji de los Reyes. All of a sudden, she finds herself pretending—unwillingly at that—to be his girlfriend to make his ex jealous.
Now, not only does she have to deal with dirty looks from the girls in school who want Kenji for themselves, but her supposed boyfriend is getting on her nerves. He's hotheaded, never seems to agree with her on anything—and everything about him screams gangster .
Has Athena gotten herself into more trouble than she can handle? Or has she actually found herself a boy she can call hers — gangster be damned?(less)